Bea – ‘di ako ang nakipag-break kay Dominic’

Nilinaw ni Bea Alonzo na hindi siya ang nakipag-break sa kanyang ex-fiance na si Dominique Roque.

Sa isang interview – sinabi ng aktres na maayos naman sila at gusto niyang bigyang-respeto at iwan sa magandang paraan ang kanilang ala-ala.

Ikinuwento rin niya kung paano niya nakayanan ang heartbreak at kung ano ang naramdaman niya nang maisapubliko ang kanyang buhay.

Sabi ni Bea, masyadong siyang naapektuhan sa mga nagkakalat ng false narratives tungkol sa kanya.

Maaaalalang nito lang nakaraang buwan, nagsampa siya ng cyberlibel laban sa mga online showbiz talk show hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz.

Nagsampa rin si Dominic ng parehong kaso laban kay Fermin para sa “malicious statements and innuendos” na sinabi sa kanyang online show. (Jhaldea Rulona – Brigada News Intern)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *