Mapapanood na nang libre sa iWantTFC ang inaabangang docuseries ng BINI, tampok ang pagbabalik-tanaw sa kanilang mga pinagdaanang sakripisyo bago matunton ang tinatamasang tagumpay bilang Nation’s Girl Group sa first chapter nitong “Born to Win.”
Umiikot ang dokyuserye sa pagsibol ng BINI sa music scene na may hatid ding exclusive footage sa kanilang kauna-unahang major concert na “BINIverse.”
Sa ika-una nitong chapter na “Born to Win,” mas makikilala ng mga manonood ang mga miyembro nitong sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena bago ang kanilang BINI days.
Dito rin ipapakita ang kanilang mga pinagdaanang hirap para maabot ang kanilang pinapangarap na makagawa ng sarili nilang pangalan sa industriya bilang Nation’s Girl Group na nagbigay-buhay sa kanilang hits na “Born to Win,” “Na Na Na,” “Lagi-Lagi,” “Pantropiko,” at iba pa.