Presyo ng mga produktong petrolyo – namumuro na namang tumaas sa susunod na linggo; LPG – magmamahal din

ABISO SA MGA MOTORISTA – OIL PRICE HIKE ang sasalubong sa atin sa unang araw ng Oktubre.

Sa pagtataya ng oil industry sources, may inaasahang pagtaas na P0.70 hanggang P0.90 sa kada litro ng diesel.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Mayroon ding inaasahang P0.30 hanggang P0.50 na umento sa kada litro ng gasolina.

Sa kerosene, dagdag na P0.30 hanggang P0.50 ang inaasahan.

Araw ng Lunes ia-anunsyo ang official price adjustment, habang magiging epektibo ito sa Martes, October 1.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Samantala, maliban sa presyo ng mga produktong petrolyo – may dagdag din na inaasahan para sa LPG.

Sa pagtataya, mayroong posibleng P2.00 hanggang P3.00 na idaragdag sa kada litro nito sa susunod na buwan.