Boracay, nananatiling ligtas matapos ang crocodile sighting

Tiniyak ng Department of Tourism Western Visayas na nananatiling ligtas na destinasyon ang Boracay kasunod ng nakitang buwaya sa isla noong nakaraang linggo.

Sa inilabas na pahayag ng ahensya, nagbigay ng assurance sa mga bisita na ipapatupad ang mga standard safety protocols at extra precautions.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nakipag-ugnayan na rin ang DOT at DENR sa lokal na pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng mga bisita at residente.

Maaalala noong Hulyo 25, nakunan ng video ang buwaya na inaanod ng alon hanggang makapunta sa isla.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

May haba itong 2.5 meters at 25.5 centimeters ang lapad, tinatayang may bigat ito na 50 hanggang 60 kilos.

Maaari umanong nagmula ito sa Mindoro, Romblon, o Palawan, mga lugar na kilala sa populasyon ng buwaya.