Bong Go, pinuri ang COVID vaccination program, matapos maabot ang higit million jabs sa loob lang ng isang araw

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang COVID-19 vaccination efforts ng gobyerno, matapos na makapagbakuna na ang bansa ng mahigit isang milyong COVID-19 vaccines sa loob lang ng isang araw.

“Welcome development na umabot na sa higit isang milyon ang ating daily vaccination rate.” saad ng senador.

Dahil dito, umaasa si Go na tuloy tuloy nang ganito ang rollout sa susunod na mga araw hanggang marating ang herd immunity tungo sa susunod na taon.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon sa mambabatas, resulta ito ng kooperasyon ng mga kababayan, malasakit sa isa’t isa, at pagsisikap ng gobyerno upang mabakunahan at maprotektahan ang lahat laban sa COVID-19.

“Bumababa na ngayon ang bilang ng mga kaso sa Maynila pero ‘huwag pa rin tayo maging kumpiyansa. Siguraduhin natin na makarating ang bakuna sa mga pinaka-nangangailangan upang walang maiwan sa ating muling pagbangon,” giit ng senador.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

“Kaya hinihikayat ko ang lahat ng mga Pilipino na magpabakuna na lalo na’t bukas na ang programa sa general population. Nasa datos na kapag bakunado ka, mas maiiwasan ang severe na kaso ng COVID-19,” ani pa nito.