NAGA CITY – Inerekomenda ng Naga City Police Office ang boluntaryong pagsusuot ng Facemask at ang pag-iwas sa matataong lugar ngayong nasa ilalim ng Alert Level 1 ang lungsod dahil sa banta ng Covid-19.
Ito ang iminungkahi ni PLTCOL. Dario Sola, ang Deputy City Director for Operations ng NCPO nang humarap ito sa isang Press Conference kaninang umaga.
Ayon sa opisyal, hindi dapat maging kampante ang publiko pagdating sa sitwasyon dahil hindi pa tuluyang nawawala ang Covid-19, kinakailangan pa rin ang pagsuot ng facemasks at ang pag-iwas sa mga over crowded na lugar na posibleng pagmulan nang transmission o hawaan.
Kung pagbabasehan ang trend, hindi pa rin bumababa ang bilang mga nagkakaroon ng kaso, kung kaya malaki ang posibilidad na madagdagan pa ang bilang kung isasantabi ang pag-iingat.