NAGA CITY – Nakatakdang pulungin ngayong hapon ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang mga personahe ng Incident Management Team para sa muli na namang pagiging alert level 1 ng lungsod dahil sa COVID-19.
Ito ang agarang aksyon ng Alkalde sa inilabas na COVID-19 alert level status ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Legacion, kinumpirma nitong may nagpo positibo sa CPVOD-19 sa lungsod minsan tatlo o limang indibidual bawat araw, kaya kailangan na mabigyan muli ito ng atensyon.
Ang COVID-19 IMT ay kinabibilangan ng mga health personnel, mga barangay opisyal Naga City Police Office, Public Safety Office, Bureau of Fire Protection, City Social Welfare and Development Office at iba pang Local Government Agencies ng lungsod.
Ayon sa Alkalde, papaghandain muli ang City Health Office tulad ng dating mga health protocol na ipinatupad noon sa kasagsagan ng pandemya.
Ang lahat aniya ng magiging gagawin sa health protocol ay magdedepende na namang muli sa direktibang inilalabas ng IATF.
Inabisuhan ng Alkalde ang lahat na kung may nararamdamang sintomas ng COVID -19 magpa check-up at i-isolate ang sarili sa karamihan para hindi makahawa.