BOC naka kolekta ng halos 900 billion noong 2023

Ibinida ng Bureau of Customs o BOC na lumubo sa 883.62 billion pesos ang revenue collection nila noong 2023.

Mas mataas ito sa target nilang 874 billion, o surplus na 9.45 billion pesos.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Habang target naman nila ngayong taon na maabot ang 1 trillion revenue collection.

Samantala dagdag pa ni BOC Deputy Commissioner Michael Fermin, nakapag tala rin sila ng 980 na seizure operations, pinaka mataas na naitala ng ahensya na may total money value na 43.3 billion pesos.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Nangunguna pa rin sa nasasabat ng BOC ay mga counterfeit goods o mga pekeng bags, sapatos at iba pang item.

Sinundan ito ng illegal drugs at agricultural smuggling.