NAGA CITY – Naglatag na ng boarder control checkpoint sa Del Gallego, Camarines Sur, kaugnay ng binabantayang Bagyong Egay.
Kasama ang Municipal Police Station ng Del Gallego, magiging katuwang ng Land Transportation Office na malimitahan ang posibleng bigat ng trapiko, matapos magsuspende ng biyahe bound sa Visayas at Mindanao na dadaan ng Bicol Region lalo na sa Catanduanes at Masbate.
Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Chester Enriquez, Chief of Police ng Del Gallego MPS, wala pang deriktibang abisu sa kanila ang PNP Unit hinggil sa paghold ng mga sasakyang dadaan sa boarder.
Tutulong lang muna sa ngayon sa LTO na makapagbigay ng asistensya at abisu lalo na sa mga truck papunta sa nasabing mga lugar na walang biyahe ang barko.
Ibig sabihin may ilang haharanging sasakyan at may biyahe pa sa Camarines Sur.
Ayon naman kay Laurence Rojo ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan, pagganitong may mga paghold lalo na sa mga truck nakahanda naman ang LGU at probinsya sa pagbibigay ng mga food pack sa mga posibleng mahaharang sa bihaye.