Legazpi City, may pinakamalaking revenue collection sa nakalipas na 6 na buwan sa buong Albay – ALECO

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na ang Legazpi City ang nanguna at may pinakamalaking revenue collection sa nakalipas na anim na buwan.

Sa tala ng ALECO, nasa PHP1,519,484,566 o katumbas ng 56% ang revenue na nakukuha ng kooperatiba mula sa mga member-consumers sa lungsod.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ito naman ay sinundan ng 3rd district na may PHP665,691,367 o 24%, habang ang 1st District naman ang panghuli na may PHP523,340,499 o 20% ng share sa revenue collection ng ALECO.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Nangunguna naman ang residential sa mayroong pinakamalaking ambag sa revenue ng kooperatiba.

Ang nasabing ambag ay aabot sa PHP1.4 billion o 49.45% na sinusundan naman ng commercial na mayroong PHP8B o 28.65% habang pangatlo ang public building na may PHP2B o 8.65% share sa revenue collection ng ALECO.