Napanatili ng Bureau of Jail Management and Penology-Cauayan City ang pagiging Best District Jail sa buong rehiyon matapos ang isinagawang Virtual 2nd Quarter 2021 Regional Management Conference ng BJMP Region 2.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay J/CINSP Bonifacio Guitering, ang District Jail Warden ng BJMP Cauayan, ito na ang pangalawang pagkakataon na itinanghal ang tanggapan bilang Best District Jail mula sa 19 na piitan sa rehiyon.
Magugunita na iginawad din sa BJMP Cauayan ang Best District Jail noong unang quarter ngayong taon.
Aniya, natanggap din ng tanggapan ang pagiging 2nd Best Therapeutic Community (TC) Implementer.
Dagdag pa ni District Jail Warden Guitering, ilan sa tinignan kaya napanatili ng tanggapan ang naturang parangal ay ang pagpapanitili ng mga programa kabilang na aniya ang religious implementation ng therapeutic modality program.
Ikinonsidera rin umano ang nagpapatuloy na suporta ng lokal na pamahalaan ng Cauayan City at mga Non-Government Organizations at ang aktibong pagpasa ng mga personnel ng BJMP Cauayan ng mga report.
Samantala, inaasahan naman na magkakaroon ng sariling nursery ang BJMP Cauayan ngayong 3rd quarter ng taon na maaring mapagkukunan ng mga seedlings sa mga isasagawang tree planting activity ng tanggapan.