Biyahero, buos na sa ports at paliparan

Tuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga transport hubs kabilang na ang mga international at domestic flights sa mga paliparan kasabay ng nalalapit na exouds at buhos ng mga bakasyunista ngayong Semana Santa.

Sa isang panayam, sinabi ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na tuloy ang pagdagsa ng tao partikular na sa domestic travels.

Sa katunayan, sa kanilang datos daw ay halos bumalik na sa pre-pandemic level ang volume ng mga flights.

Sampung beses din na mas marami ang average na inbound international flight passengers mula sa 1,000 hanggang 5,000 kada araw – ngayon ay 10,000 – 15,000 kada araw na ito.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Mayorya naman ng mga buma-biyahe sa bansa ay nagmula sa Europe at Amerika.

Sa kabila nito, nagpaalala pa rin si Monreal sa publiko na bagamat nagluwag na ang restrictions, kinakailangan pa ring mag-ingat at sumunod sa mga health protocols.
#

PPA, handa na sa exodus sa mga pantalan

Handang-handa na rin ang mga pantalan para sa dahsa ng mga pasahero sa papalapit ng Semana Santa.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine Ports Authority General Manager Atty. Jay Santiago na ‘all-set’ na ang mga ports para sa sea travel sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa ngayon, tuloy aniya ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa bahagi ng Batangas at sa Matnog sa Sorsogon.

Dahil dito ay mas pinaigting pa ang seguridad sa mga entry at exit points sa lahat ng mga pantalan para masigurong ligtas at maayos ang biyahe ng mga bakasyunista’t mga kababayan nating uuwi sa kani-kanilang mga probinsya.

Ibinida rin ni Santiago na magagamit na ang mas pinagandang passenger terminal sa Batangas Port ng mga biyahero sa Batangas, Mindoro, at ilang bahagi ng Visayas.

Samantala, nagpaalala naman ang opisyal sa mga ba-biyahe na alamin ng mga ito ang mga health requirement ng mga LGUs na kanilang mga pupuntahan.

Kailangan din aniyang ipresenta ang vaccination card sa mga terminal.
#