CAMARINES NORTE – Isang araw makaraang payagan ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat, muling nagpatupad ng temporary suspension of voyage ang Philippine Coast Guard sa karagatang sakop ng Camarines Norte epektibo nitong LUnes, January 29.
Batay ito sa ipinalabas na notice to mariners ni LT Ronnie Rey Pabico, Acting Station Commander ng Coast Guard Camarines Norte, kasunod ng ibinanderang gale warning ng Pagasa.
Dahil dito muling ipinagbabawal ang paglalayag ng mga bangkang 250 gross tons pababa upang maiwasan ang maritime incident.
Ayon sa Pagasa asahan ang malakas na alon ng karagatan dahil sa amihan.
Matatandaan na nagpatupad ng temporary suspension of voyage ang Coast Guard Miyerkules nang nakaraang linggo pero na- lift ito noong araw ng Linggo.
Dahil dito, apektado ang kabuhayan ng mga mangingisda at tatagal pa ang ganitong sitwasyon hanggang sa matapos ang pag- iral ng amihan.
