Humina na lang ulit bilang isang typhoon ang Bagyong #LeonPH habang papalapit ito sa Taiwan.
Huli itong namataan sa layong 155 kilometro, hilaga ng Itbayat, Batanes.
Taglay ang lakas ng hangin na aabot ng 175 kilometro kada oras malapit sa gitna; at bugsong aabot ng 215 kilometro kada oras.
Mula sa signal number 5 kaninang madaling araw – signal number 3 na lang ang nakataas sa Batanes.
Signal number 2 naman sa Babuyan Islands; at signal number 1 sa Mainland Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet (Mankayan, Bakun, Buguias), Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Posible itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi, o bukas ng umaga.