Bise-alkalde ng lungsod inilatag ang dahilan ng kanyang isinusulong na Resolution

SORSOGON CITY – Kailangan ng publiko ng mga aktibidad sa paglilibang tulad ng sports upang marefresh hindi lamang ang kanilang mga katawan kundi maging ang kanilang isipan.

Ito ang rason kung bakit isinusulong ni City Vice Mayor Eric Dioneda ang resolusyon na humihiling na mapayagan na ang pagbubukas ng mga sports facilities at sports activities tulad ng basketball at volleyball sa mga barangay na walang kaso ng COVID 19.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Ayon dito, mahalaga ang nasabing hakbang lalo na at hindi lamang ang pang-araw-araw na gawain ng publiko ang lubhang naapektuhan ng pandemya kundi maging ang tungkol sa pagkakaroon ng malakas at malusog na pangangatawan kung saan sa halip na mag-ehersisyo at gumawa ng mga aktibidad sa palakasan, ang ilan sa atin ay inuubos na lamang  ang oras sa social media at mga online na laro.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Isa ito aniya sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagbubukas ng mga sports facility at sports activities hindi lamang para sa kasiyahan ng mga tao sa komunidad kundi para isulong din ang pangangalaga sa kalusugan at kamalayan.

PHOTO: fb page of VM Dioneda