Tinukoy na ng DOE ang ilang contingency measures sakaling magkaroon ng forced outages ng mga power plants, matapos lumabas sa simulations na ginawa ng NGCP at ng kanilang ahensya na may yellow alerts umano na maaring mangyari isang linggo bago at isang linggo matapos ang May 9 elections.
Isa sa mga contingency measures ay ang inaasahang testing at commissioning ng GNPower Dinginin Unit 2 plant na may available capacity na 668 MW ngayon buwan.
Ang ikalawa namang hakbang ay ang pagpapaliban ng preventive maintenance shutdowns ng ilang hydropower facilities.
Dahil dito, sinabi ni DOE-Electric Power Industry Management Bureau director Mario Marasigan na magagamit na ang available capacities ng malaking hydropower facilities sa panahon na kailanganin ito, lalo na sa election period.

Ang pangatlo namang option, ay ang paglipat ng electricity mula Visayas sa Luzon na 100 sa 150 MW.
Samantala, para naman kay DOE Undersecretary Felix Fuentebella, na ang yellow alerts ay hindi naman dapat na ikabahala, dahil hindi naman ito nagreresulta ng rotational outages.