BIR-Sorsogon hiniling ang tulong ng publiko sa pagtunton sa mga social media influencers sa lalawigan

SORSOGON CITY – Sa harap ng usapin hinggil sa planong pagbubuwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga social media influencer umapela si (BIR)-Sosogon District Officer Prencini Parco sa publiko na ipagbigay-alam sa kanilang tanggapan kung mayroong mga kakilala, kaibigan, o kamag-anak ang mga ito na social media influencer.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Ayon dito, ito’y upang makapagparehistro ang mga ito gayundin kanila na ring magabayan sa mga dapat na gawin ng mga ito bilang tax payers.

Aminado ang opisyal na mahirap kasi para sa kanila ang hanapin ang nasabing mga indibidwal dahil  bilang mga social media influencer ay walang aktuwal na mga establisiyemento o tanggapan ang mga ito kundi sa kani-kanilang mga bahay lamang.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kaugnay nito, hinikayat ng opisyal ang publiko na kung sakaling mayroong mga kilalang social media influencers ay ipagbigay alam ito sa kanila upang kanilang matunton, dahil sayang naman umano ang buwis na maaari nilang makolekta mula sa mga ito.