‘Laptop protest,’ isinagawa ng grupo ng mga guro

Nagsagawa ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) ng isang ‘laptop protest’ para maipaabot ang kanilang mga hinaing sa Department of Education (DepEd).

Kanya-kanyang lagay ang mga guro sa screen ng kanilang mga laptop o computer ng kanilang nais ipabatid sa Deped at saka nila ito ipinopost sa social media.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ayon kay ACT spokesperson Ruby Bernardo, ito ay para rin maiparating nila sa kagawaran na hindi nila nakakalimutan ang mga ipinangakong benepisyo ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi ni Bernardo na kabilang sa mga hinihiling ng mga guro ay ang pagbabayad sa mga naantalang overtime pay lalo na ang mga gurong nasa probinsya, at pagbibigay ng mas malaking allowance para sa load.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Bukod dito, iginiit din ng mga guro na mapagkalooban ang kanilang hanay ng kinakailangang computers upang mas maging maayos at epektibo ang pagtuturo ngayong umiiral pa rin ang distance learning.