BIR regular na nagsasagawa ng enforcement activity

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Bureau of Internal Revenue na regular itong nagsasagawa ng enforcement activity tulad ng tax mapping.

Sinabi sa Brigada News FM Daet ni Revenue District Officer Estrella Manalo na mayroong regular na quota ang mga tanggapan ng BIR sa mga probinsiya kung saan regular na tinitingnan ang mga taxpayer na posibleng hindi naka rehistro o kung nakarehistro man ay sinusuri kung updated ang records.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Isa kasi umano ito sa source of collection na lubhang kailangan ngayon ng gobyerno para pondohan ang iba’t- ibang programa lalo na ang pandemic response.

Ayon pa kay Manalo marami na rin umanong nagne negosyo online nag nakapagparehistro.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa Abril ay due date ng kanilang income tax kaya’y inaasahan din umano ng RDO 64 na karagdagan itong koleksyon sa income tax ganundin ang value added tax.

Pinaalalahanan din ng opisyal ang mga taxpayer sa lalawigan hinggil sa deadline ng filing ngayong Enero at ang pagbabayad ng tamang buwis.