CAMARINES NORTE- Patuloy ngayon ang information dissemination campaign ng Bureau of Internal Revenue (BIR) patungkol sa batas na inaprobahan noong Marso na nagpapababa sa corporate income taxes.
Ayon kay Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon, ito ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o mas kilala bilang CREATE law na nagpapababa sa corporate income tax rate mula 30 % sa 25 % para sa mga malalaking korporasyon o 20 % sa small enterprises o depende sa assets.
Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas noong Marso na naglalayong maghikayat ng mas maraming foreign investments at matulungan ang bansa na maka recover sa COVID- 19 pandemic.
Bumaba rin ang percentage tax ng mga ito mula sa 3 % na ngayon ay 1 % na lang.
Dahil dito inaasahang malaki ang magiging epekto sa pag- abot ng goal ng BIR dahil sa pagbaba ng percentage tax.
May ilang probisyon naman sa batas na na- vetoe ng Pangulo tulad ng increase sa value added tax-exempt threshold sa real property sales.

