BIR, nagsampa ng kasong kriminal vs 3 firm re: paggamit ng ‘ghost receipts’

Sinampahan ng kaso sa Department of Justice ng Bureau of Internal Revenue ang tatlong malalaking kumpanya sa Pilipinas dahil sa paggamit ng “ghost receipts” na ikinalugi ng pamahalaan na aabot sa P18 bilyon.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Pinangunahan mismo ni Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang pagsasampa ng kaso laban sa corporate officers, accounting firms, at accountants ng mga kumpanya.

Natuklasan ng BIR na ang nagmamay-ari ng isa sa mga kumpanya, bukod sa paggamit, ay siya ring nagbebenta ng ghost receipt.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Naninindigan naman ang ahensiya na hindi nila palalampasin maliit man o malaking kumpanya na gumagawa ng iligal na gawain upang makaiwas sa pagbabayad ng buwis. //CA, edited MHEL PACIA