Hindi pa handa ang Pilipinas na ibaba ang alert status nito sa Mayanmar.
Isa sa rason nito, ayon kay DFA undersecretary Eduardo de Vega, ang dumaraming bilang ng kaso ng illegal recruiters na naiu-ulat doon.
Ang pahayag ni De Vega ay kasunod ng apela ng ilang overseas Filipino worker na ayaw umuwi ng Pilipinas dahil sa pangambang hindi na makakabalik sa Myanmar para sa kanilang mga trabaho.
Noong May 2021 nang itaas ng bansa ang Alert Level 4 sa Myanmar bunsod ng kaguluhan sa Southeast Asian country.

Tiniyak naman ng opisyal sa publiko na hindi sinasadya ng DFA na pagbawalan ang mga Pilipino na magtrabaho sa Myanmar subalit nais lamang nilang tiyakin ang kanilang seguridad. //CA, edited MHEL PACIA