PAMILYA NG NASAWING ESTUDYANTE SA CAUAYAN CITY, HUSTISYA ANG SIGAW

“𝙆𝙪𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙣𝙨𝙚𝙣𝙨𝙮𝙖 𝙣𝙪𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙩𝙖𝙜𝙤 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙖𝙡𝙖𝙢 𝙠𝙤 𝙣𝙖 𝙨𝙖 𝘿𝙞𝙮𝙤𝙨, 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙣𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙝𝙖𝙩𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙞𝙮𝙖, 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙪𝙨𝙪𝙠𝙤 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙠𝙖𝙢𝙞 𝙢𝙖𝙜𝙖𝙜𝙖𝙡𝙞𝙩, 𝙖𝙣𝙙𝙞𝙮𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙮𝙖𝙣 𝙚 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙢𝙖𝙞𝙗𝙖𝙗𝙖𝙡𝙞𝙠 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙩𝙖, 𝙨𝙤, 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙞𝙣 𝙝𝙪𝙨𝙩𝙞𝙨𝙮𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖 𝙣𝙜 𝙖𝙣𝙖𝙠 𝙠𝙤.” – 𝙎𝙝𝙚𝙧𝙬𝙞𝙣 𝘽𝙖𝙧𝙚𝙣𝙜

Ito ang naging pahayag ni Tatay Sherwin Bareng ang ama ng biktimang si Sandara Bareng, 19-anyos, na nasawi sa nangyaring hit-and-run accident kaninang madaling araw sa Barangay Sillawit, Cauayan City Isabela.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Sa eksklusibong panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa ama ni Sandara, hustisya ang nais nilang makamtan ngayong nasawi ang kanilang dalagang anak.

Umapela ito sa publiko na kung sinuman ang nakakita ng Toyota Fortuner na mayroong damage ay mangyaring i-report agad sa kapulisan.

Aniya, enrolled na si Sandara sa kursong Bachelor in Elementary Education sa  UPHS-Isabela Campus at nakatakdang pumasok sana bilang second year student kung saan aktibo rin ito sa kanilang paaralan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Inilarawan din ni Tatay Sherwin ang kaniyang anak bilang isang mabait at sweet na bata kaya napakahirap aniya sa kanila ang nangyari.

Sa ngayon ay nakaburol na ang labi ni Sandara sa kanilang tirahan sa Sillawit, Cauayan City.

Nagpapatuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matunton at matukoy ang may-ari ng sasakyang nakabangga sa biktima.

Narito ang link para sa detalye ng nangyaring aksidente.

https://www.facebook.com/929bnfmcauayan/posts/pfbid0wvXn1Yx53NQ9mw5Zt5jCFqSa9qvhozQatBfymAvPqcqqUy26kzwcje3NSevVHAoVl