Bilateral cooperation sa cybersecurity, pinalakas ng Pilipinas at Australia

Pinalakas pa ng Pilipinas at Australia ang bilateral cooperation sa cybersecurity.

Makikipagtulungan ang Australia sa Department of National Defense para mapalakas ang cyber resilience at technology security sa rehiyon.

Ito ang tiniyak ng Australian delegation na pinangunahan ni Australian Ambassador for Cyber Affairs and Critical Technology Brendan Dowling sa kanilang pakikipagpulong kay DND Undersecretary for Capability Assessment and Development Angelito De Leon

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Dito’y ibinahagi ni Ambassador Dowling ang “whole of nation strategy” ng Australia pagdating sa cybersecurity kung saan kabilang ang pribadong sektor sa pagtiyak ng seguridad sa mga kritikal na imprastraktura.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Ibinahagi naman ng DND ang kanilang plano na i-activate ang Cyber Command sa ilalim ng AFP para sa mas epektibong cyber defense posture sa gitna ng mga makabagong banta.

Kapwa pinahalagahan ng dalawang panig ang alyansa ng Pilipinas at Australia at ang nagkakaisang layunin na palakasin ang cyber-defense para sa seguridad at stabilidad ng rehiyon.