Senate Majority Leader – umaasang makatutulong ang pakikipag-ugnayan ng bansa sa ASEAN coutries sa paghuli kay Alice Guo

Idiniin ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na dapat lang mapanagot sa batas si Alice Guo at maging ang kanyang mga kasamahan dahil sa kanilang pagtakas sa Pilipinas.

Kasunod ito sa isiniwalat ni Sheila Guo na sabay-sabay silang bumyahe nina Alice at Wesley palabas ng bansa bagamat iginiit nitong hindi niya alam na pagtakas ang kanilang gagawin.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Ani Tolentino, malinaw na pagpapakita ng paglapastangan sa batas ang ginawa ng mga ito dahil patagong lumabas si Alice sa kabila ng oustanding warrant of arrest laban sa kanya.

Read More:  NBI seeks CCTV footage of Sen. Bato’s arrival at Senate

Bilang mahalaga ang naging tulong ng pakikipag-ugnayan ng Bureau of Immigration (BI) sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagdakip kina Shiela at Cassadra Li Ong ay umaasa naman ang senador na magiging daan din ito sa paghuli kay Alice at kay Wesley na patuloy pa ring nagtatago hanggang sa ngayon.