Bato at Digong – haharap sa Senado

Ibinahagi ni dating PNP chief, Senador Ronald Bato Dela Rosa na kinumpirma sa kanya ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagdalo nito sa drug war probe ng Senado kahit sinuman ang manguna nito.

Read More:  DSWD Sec. Gatchalian denies wasted AICS funds despite COA findings

Kasunod ito sa naging pahayag ni Senador Koko Pimentel na papadalhan din niya ng imbitasyon ang dating pangulo upang makadalo sa pagdinig sa Lunes.

Samantala, wala naman din umanong balak si Dela Rosa na sundan ang hiling ng isang partido na mag-indefinite leave siya.

Read More:  Padilla urges critics to meet Chinese Ambassador Jing Quan personally

Anya, dadaluhan niya ang pagdinig dahil kailangan niyang makaharap ang mga sinungaling na testigo at maisiwalat ang katotohanan sa publiko.