Bilang ng nasawi sa India dahil sa heatwave, umabot sa 170

Halos 170 katao na ang iniulat na namatay sa dalawang populous states sa India makaraang tumama ang heat wave sa bansa.

Ayon sa mga health officials , nasa 119 katao ang naitalang namatay sa northern Uttar Pradesh state dahil sa heat-related illnesses samantalang sa kalapit nitong Bihar state ay mayroon naman 47 katao ang iniulat na binawian ng buhay.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Idineklara ang heat wave sa India dahil sa naitalang temperatura na hindi bababa sa 4.5 degrees C above normal.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Nakadagdag umano sa heat stress ng mga residente ang pagkawala ng kuryente sa buong rehiyon kung saan naapektuhan din nito ang supply ng tubig.

May ginagawa nang hakbang ang pamahalaan upang matugunan ang suliranin ng kuryente sa bansa.//CA