Titikitan na ng Barangay Kalalake sa Olongapo ang mga residenteng bigong makapag-segregate ng basura.
Ito ay pagkatapos ng panibagong orientation tungkol sa Ecological Solid Waste Management Act at No Segregation No Collection Policy.
Ayon kay ABC President Randy Sionzon, makailang beses nang nagpaalala ang barangay tungkol sa patakaran at schedule pero sadyang may mga hindi nakakasunod.
Duda ni Sionzon, ito ay ang mga residenteng mayroong pasok sa trabaho kaya hindi nakakasagap ng balita tungkol sa mga bagong batas at polisiya.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO
