Bilang ng nakarekober sa COVID-19 nadagdagan sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 446 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte

Ito ay matapos na maitala ang karagdagang 2 pasyente na gumaling sa sakit sa ulat ng DOH Bicol kahapon

Naitala naman ang isang panibagong kaso na nagmula sa bayan ng Daet

Kaugnay nito, mayroon ng 766 ang kabuuang bilang ng mga naapektuhan ng Virus sa lalawigan, mula sa naturang bilang ay 288 ang aktibong kaso habang nananatili sa 32 ang bilang ng mga nasawi sa sakit

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Patuloy namang pinapaalalahanan ang lahat na sumunod ang ipinapatupad na health safety protocols lalo  na ang pagsusuot ng face mask at face shield

Nitong lunes kung matatandaan ay inanunsyo mismo ng Pangulong duterte na ipagpapatuloy ang pggamit ng face shield , maging nasa pampublikong lugar at lalo na sa loob ng mga establisimyento

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Pinapayuhan rin ang lahat na panatilihin ang scial distancing at hanggat maaari ay manatili sa kanilang mga tahanan kung hindi naman importante na lumabas ng kanilang mga bahay