UN nagbabala sa posibleng mas malalang kaguluhan sa Afghanistan

Nagbabala si United Nations Special envoy Deborah Lyons sa Security Council ng posibleng nakakatakot na scenario sa ilang lugar sa Afghanistan.

Ito ay kasunod ng pagkubkob ng Taliban fighters sa 50 mula sa 370 districts simula noong buwan ng Mayo.

Ayon kay Lyons, ang pagtaas ng mga sagupaan sa maraming distrio sa Afghanistan ay nangangahulugan ng mas maraming peligro sa ibang bansa maging kalapit o malayo sa nasabing bansa.

Ang ang pagtaas ng insurgency sa lugar ay sa gitna naman ng pullout ng lahat ng tropa ng America sa lugar na inaasahang matatapos sa September 11.

Kaugnay nito, tiniyak ni Pentagon Spokesman John Kirby na nananatiling unstable ang sitwasyon sa lugar pero hindi mababago ang withdrawal ng kanilang mga tropa.

Naniniwala si Lyons na naka-position na ang tropa ng Taliban na naghihintay ng pag-take over sa mga mahahalagang lugar sa mga distritong nakubkob oras na makaalis na ang mga foreign forces.