Bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes umabot nasa 190

CAMARINES NORTE- Umabot na sa 190 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ito ay matapos na makapagtala ng panibagong kaso nitong linggong ito.

Batay ito sa COVID- 19 situtaional report ng Municipal Health Office hanggang nitong Huwebes, September 8.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Umabot naman sa 21 ang bilang ng mga nasawi at 168 ang mga gumaling.

Nangunguna pa rin ang San Roque sa may pinakamaraming naitalang kaso na may 36 na sinusundan ng Del Rosario na may 24.

Ang Barangay 3 ay may 14 na kaso, 11 sa Barangay 2 at tig sampu sa Manguisoc at Pambuhan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Pinakakaunti sa Apuao, Quinapagian, Hamoraon at Lanot.

Marami sa mga nagkaroon ng COVID- 19 ay mga babae.

Nakapagtala naman ng zero percent occupancy rate ang Mercedes Ligtas Covid Center na may nakalaang 43 beds.