Bilang ng mga refugees na tumakas sa Ukraine, lampas na sa 5-M – UN

Bilang ng mga refugees na tumakas sa Ukraine, lampas na sa 5-M – UN

Papalo na sa mahigit limang milyon ang bilang ng mga refugees na lumikas sa Ukraine simula nang lumusob ang Russia noong Pebrero 24.

Sa datos ng Unites Nations, mahigit kalahati umano sa naturang bilang ay mga bata.

Sa gitna nito, inanunsyo naman ng Ukraine na magpapadala sila ng 90 bus para ilikas ang 6,000 pang sibilyan mula sa Mariupol, matapos na magkaroon sila ng “preliminary agreement” sa Russia para sa ligtas na corridor.

Pero sa kabila nito, wala pa sa naturang mga naunang kasunduan ang umusad sa ground, matapos na hinaharangan ng Moscow ang lahat ng convoys. //MHEL PACIA-TRINIDAD