Bilang ng mga Pilipino na natulungan sa Ukraine sa gitna ng Russian invasion, umabot na sa 370

Pumalo na sa 370 Pilipino ang natulungan ng gobyerno sa Ukraine sa gitna ng Russian invasion.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na tinatayang nasa 286 na Pilipino ang sumailalim sa repatriation, habang nasa 84 Pilipino ang nakalikas na o nasa labas na ng Ukraine.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Inihayag rin ni Arriola nitong Martes na inasahan nila ang pag-uwi ng 24 na Pilipino sa nasabing araw.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Samantala, umapela naman ang Pilipinas na agad matigil ang karahasan at nanawagan sa lahat ng mga sangkot na partido na bumuo na ng peace accord.