Bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Camarines Norte ngayong taon umakyat na sa 11, aktibong kaso mataas pa rin

CAMARINES NORTE- Umakyat na sa 11 ang bilang ng mga nasawi sa Covid-19 sa lalawigan ng Camarines Norte mula Enero nitong taon makaraang madagdagan ng tatlo.

Sa impormasyon mula kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco umaabot na sa kabuuang 287 ang bilang ng mga nasawi mula noong 2020.

Pinakamarami ang namatay dahil sa sakit noong 2021 na may 218 at 49 naman noong 2022.

Noong 2020 sa unang taon ng pandemya ay siyam ang naitalang bilang ng pagkasawi.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Isa sa tatlong pinakabagong kaso ng pagkamatay ay ang isang 73 anyos na lalaki mula sa bayan ng Mercedes.

Sa hiwalay na pahayag ng Lokal na Pamahalaan nakaranas ng sintomas ang pasyente noong May 25 tulad ng panghihina ng katawan  ubo at sipon at nagpositibo sa Covid-19 batay sa resulta ng kaniyang RT-PCR test.

Samantala matataas pa rin ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan na mayroon ngayong 96.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ang mga ito ay nagmula sa Daet 43, Vinzons 20,  Labo 8, Talisay 4, Vinzons 4, Basud 3, Capalonga 3, Paracale 3, San Vicente 3, Sta Elena 3, Mercedes 2 at San Lorenzo Ruiz 2.

Sa kabuuan mayroon nang 4, 808 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan simula noong 2020.

Nakapagtala naman ang lalawigan ng 4, 425 na nakarekober o 92. 03 %.