Dahilan ng pagkaantala ng Grand Pasalinggaya Raffle ipinaliwanag ng SPIO

Lagay ng panahon sa lalawigan, ito ang pangunahing ikinokonsidera ng Gobernador kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin isinasagawa ang Grand Pasalinggaya Raffle.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Sorsogon Provincial Information Office (SPIO) head Salvador “Dong” Mendoza, sinabi nito na bagama’t lubha na silang excited para sa nasabing aktibidad at nakahanda na rin ang lahat ng mga papremyo ay hindi pa rin nila ito isinagawa dahil sa mga pag-uulan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Aniya, nais kasi umano ng Gobernador na talagang mag-enjoy ang mga Sorsoganon sa nasabing event na hindi mangyayari kung hindi maganda ang panahon at maulan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Binigyang diin ng opisyal na sa kasalukuyan ay wala pa silang schedule para sa pagtutuloy ng Grand Pasalinggaya Raffle.

Magbibigay na lang umano sila ng abiso kung kailan ito gagawin. Mababatid na halos dalawang araw na na mayroong mga maagang pumumipila sa Capitol Grounds para makakuha ng tiket sa nasabing aktibidad.