Bilang ng mga namatay sa pagbaha sa Brazil, umabot na sa 78

Umakyat na sa 78 ang bilang ng mga namatay sa Rio Grande do Sul ng Brazil matapos makaranas ng malalakas na ulan at nagdulot ng malawakang pagbaha.

Maari pa itong dumami sa mga susunod na araw dahil sa ngayon, 105 pang katao ang naiulat na nawawala, ayon sa state civil defense authority.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Nakaapekto ito sa halos 500 lungsod, na nagresulta sa kawalan ng tirahan sa mahigit 115,000 indibidwal.

Read More:  Spain transport minister resigns following deadly train collision

Dumating si President Luiz Inacio Lula da Silva sa Rio Grande do Sul sa nasabing estado, kasama ang karamihan sa mga miyembro ng kanyang gabinete upang talakayin ang mga pagsisikap sa pagsagip at muling pagbangon sa mga lokal na awtoridad.

#