CAMARINES NORTE- Apat na araw na magkakasunod na naitala sa lalawigan ng Camarines Norte ang bilang mga pasyenteng nakakarekober sa COVID-19
Simula nitong nakatalikod na byernes ay naitala ang 20 recoveries gayundin sa araw ng sabado at linggo sa kaparehong bilang
Sa report ng DOH Bicol kahapon, karagdagang 20 pasyente muli ang nakarekober sa sakit.
Kung susumahin sa loob ng apat na araw ay may 80 pasyente ang nagdadag sa bilang ng mga tuluyang gumaling sa COVID-19 dahil upang umakyat na sa 1,780 ang total recoveries
Bunsod rin nito bumaba na sa 1,060 ang aktibong kaso ng sakit matapos na walang maitalang panibagong kaso kahapon
Nanatili naman sa 97 ang total death Cases at may 2,937 total cases ng COVID-19 ang lalawigan
