Bilang ng mga nakapag-enroll na sa iba’t ibang mga probinsya sa Bicol, sumipa na sa mahigit 300K

BNFM BICOL –SUMIPA na sa kabuoang 351,53 ang numero ng mga estudyante nagpa-enroll sa nagpapatuloy na enrollement sa iba’t ibang mga probinsya sa Bicol, ito ay batay sa Region V Learners Information System-Quick Count of Enrollment, as of July 8.

Dahil dito nasa 122, 475 ang naitala sa Albay na nangungunang probinsyang may pinakamaraming enrollees, 46,632 naman ang naitala sa Camarines Norte, 17, 669 sa Camarines Sur, 3,679 sa Catanduanes, 41, 501 sa Masbate, at 41,270 sa Sorsogon.

Sa nasabing mga bilang 45,804 dito ay Senior High School, 106, 383 naman ay Junior High School, 198,944 ay papasok sa elementarya at 408 naman ang mga non-graded.

Patuloy pa rin ang pagbabantay ng DepEd Bicol sa mga nagpapatala ngayong taon at inaabisuhan naman nila ang mga eskwelahan na makiisa sa Learners Information System-Quick (Lis-Quick) Count of Enrollment. # # # Pauline Manga, Intern

Photo Courtesy of DepEd Region V – Bicol Facebook Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *