Bilang ng mga nabakunahan sa Camarines Norte umabot pa lang sa 23, 268- PHO

CAMARINES NORTE- Umaabot pa lang sa 23, 268 ang bilang ng mga nabakunahan sa lalawigan ng Camarines Norte apat na buwan ang nakakaraan nang magsimula ang vaccination rollout.

Batay sa datos ng Provincial Health Office (PHO)  as of July 23, 2021, nasa 15, 395 ang nakatanggap na ng first dose habang 7, 873 naman ang nakapag second dose.

Noong Lunes at hanggang kahapon ay muling nagkaroon ng sabay- sabay na pagbabakuna sa buong probinsiya para pa rin sa mga kabilang sa A2 at A3 priority groups o senior citizens at persons with co- morbidities.

May parating namang Johnson and Johnson at Moderna vaccine sa lalawigan na para pa rin sa naturang priority group.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon kay acting  Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco sinisiguro ng PHO na akma ang temperature ng kanilang cold storage facility lalo na ang para sa Moderna vaccine.

Palagi raw kasing tinatanong sa kanila ng Department of Health (DOH) kung gaano ka stable ang temperature ng cold storage facility.

“Ang moderna po natin ay may pasabi nang parating sa atin, hindi lang alam kung anong schedule but then ang tinatanong lagi sa amin kung how stable yung temperature na from 15- 25 dapat within 15- 25 yung temperature , araw- araw ay dapat yun ang nakalagay dun sa  thermometer ng aming cold room or yung aming freezer,” ani Francisco.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Patuloy naman ang paalala ng PHO  sa publiko na palaging sundin ang Minimum Health Standards kontra COVID- 19.

Sabi pa ni Francisco na ang laban kontra COVID- 19 ay hindi lang ng PHO at DOH kundi lahat ng ahensiya ng gobyerno at lubhang kailangan ang kooperasyon ng publiko.