‘Over speeding’ o mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan, madalas na dahilan ng road accident sa Virac, Catanduanes ayon sa PNP

Virac, Catanduanes—Inihayag ni Virac MPS Chief PMaj. Antonio Perez na ang matulin na pagpapatakbo ng sasakyan o ‘over speeding’ ang mayorya sa mga dahilan ng sunod-sunod na naiulat na road accident sa bayan ng Virac, Catanduanes.

Ayon kay Perez, self-accident o naaksidente kahit wala namang kabanggaan ang madalas na naitatala nilang kaso at ito umano ay marahil sa mabilis na pagmamaneho ng mga motorista.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Pumapangalawa dito ang pagmamaneho kahit lasing o nasa impluwensya ng alak o kaya naman ay ang hindi pagiging pamilyar sa kalsada kaya’t kadalasang naaaksidente, partikular sa mga kakalsadahang under construction.

Samantala, nakatutok at naka alerto naman ngayon ang kapulisan ng bayan lalo na nang i-lift o tanggalin ang curfew sa Virac para mahuli ang mga motoristang nagpapaharurot ng sasakyan lalo na tuwing gabi.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw, dalawang motorista ang nagsalpukan sa national road sa bahagi ng Brgy. Palta Small habang nasangkot naman sa isang aksidente ang tricycle at isang motorsiklo sa Brgy. San Isidro, Village.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Paalala ng mga otoridad sa mga motorista, mag-ingat sa pagmamaneho lalo na sa mga kurbada o palikong daan, iwasan ang mabilis na pagpapatakbo at ugaliing magsuot ng helmet para maiwasan ang malubhang pinsala kung sakaling ma involve sa isang aksidente.###