DSWD magsasagawa ng orientation sa mga LGU patungkol sa Social Technology Projects

CAMARINES NORTE- Nakatakdang magsagawa ng orientation ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t- ibang Lokal na Pamahalaan sa Bicol Region patungkol sa Social Technology Projects ng ahensiya.

Ikalawang batch ang lalawigan ng Camarines Norte kasama ang Masbate at Catanduanes sa isasailalim sa Orientation and Social Marketing of Completed Technology projects na gagawin mula August 3- 5 via Goggle Meet.

Imbitado sa naturang orientation ang mga Municipal Social Welfare and Development Officer at staff gayundin ang kinatawan mula sa Sangguniang Bayan partikular ang nasa komite ng social services.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa sulat ni DSWD Regional Director Leo Quintilla sa mga LGUs, binigyang diin nito na may malaking papel ang Social Technology development sa vision ng departamento na makalaya ang mga Pilipino sa gutom at kahirapan at magkaroon ng pantay na pagkakataon.

Ang Social Technology Bureau and Unit ng ahensiya ay bumuo ng tinatawag na innovative models of social welfare and development at mga interventions na gumagamit ng mga teorya at subok nang pamamaraan na may layuning i- improve ang social conditions and human behavior ng mga mahihirap.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Alinsunod ito sa Administrative Order No 14 series of 2018 at Local Government Code.

Sa ngayon ay mayroong 26 na social technologies na, na kung hindi pa kumpleto ay nagpa- pilot testing.