LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Local Government Unit (LGU) Camalig na nagsimula na kahapon ang pagbabakuna sa mga kabataan laban sa Corona Virus Disease (COVID) 19.
Ito ang inihayag ni Mayor Caloy Baldo ng Camalig sa kanyang facebook account. Ayon kay Baldo, sa pinakahuling isinumiteng datos mula sa Municipal Health Office (MHO) pumalo na sa labindalawang libo siyam na raan at pitumpung (12, 970) ang nabigyan na ng bakuna o 25.8% ng target na populasyon sa bayan.
Aniya, inaasahang mababakunahan ang nabanggit na bayan ay 50, 234 ng target na populasyon na may layuning makamit ang herd immunity upang wakasan ang nakakahawang sakit na covid 19. Layunin ng LGU ng pagbabakuna ay matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng publiko sa nasabing sakit. Hinihimok ang mga kawani na sundin ang health protocols na ipinatutupad ng Department of Health (DOH) tulad ng pagsusuot ng face mask at ang pagsunod sa social/physical distancing. Samantala, ang pagbabakuna laban sa COVID-19 para sa 14 hanggang 17 taong gulang ay opisyal na nagsimula kahapon sa Camalig National High School main vaccination center, Brgy. Ilawod, Camalig, Albay. Ang pagbabakuna ay naka-iskedyul sa pagbabakuna para sa nasabing edad na may 1st doses ng Pfizer at ang natitirang populasyon ng nasa hustong gulang (18 taong gulang pataas) na may 2nd doses ng parehong bakuna.
Sa ngayon, ang Camalig, Albay ay may kabuuang 501 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 kabilang ang 433 nakarekober, 30 namatay, at 38 kasalukuyang aktibo.