Bilang ng mga local tourist na nasa Naga City dumami sa pagdiriwang ng 75th Charter Anniversary

NAGA CITY –Nagpasalamat ang LGU-Naga dahil sa ipinakitang suporta ng publiko sa katatapos pa lamang na pagdiriwang ng ika 75th diamond jubilee charter anniversary na kung saan naitala ang maraming local tourist mula sa iba’t-ibang lugar sa Camarines Sur.

Hindi lang ang mga Nagueño ang nagsaya, kundi maging ang mga nasa karatig-bayan na nagsadya pa sa lungsod lalo na kung gabi para manood ng mga libreng programa at aktibidad sa Plaza Rizal, Plaza Quezon at Plaza Quince Martirez.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Nakatulong ang naturang mga aktibidad sa lalo pang pagpalago ng ekonomiya.

Ito iyong pahayag ni City Administrator Elmer Baldemoro bilang kanilang assessment sa katatapos pa lang na okasyon.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa kanyang pakikipag-usap sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Baldemoro na matagumpay ang mga inihanda nilang mga programa na nilahukan ng bawat sector ng lungsod.

Kaugnay nito, inaasahan nila ang mas maraming turistang darating sa lungsod sa buwan ng Septyembre,panahon ng taunang pagdiriwang sa kapiestahan ni Inang Nuestra Senora de Penafrancia.