Volcanic earthquakes at energy level ng Bulkang Mayon, patuloy na binabantayan ng PHIVOLCS

LEGAZPI CITY – Patuloy na binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang bilang ng volcanic earthquakes at energy level ng Bulkang Mayon dahil sa posibilidad na pagputok nito.

Sa isinagawang Media Briefing para sa Mayon Volcano Emergency Response and Updates ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay, kahapon, sinabi ni PHIVOLCS resident volcanologist Dr. Paul Alanis, na naka-monitor sila sa bilang ng volcanic earthquakes at energy level ng bulkan dahil ang pagtaas ng bilang nito ay ang pinaka-indikasyon na ito ay puputok na.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sinabi pa ni Alanis, dalawa ang posibleng senaryo ng Bulkang Mayon: umaasa sila na 2014 ang istilo ng pagputok nito, kung saan naglabas lamang ito ng lava, o maaari ring malalang pagputok na magreresulta sa pyroclastic density events na lalagpas sa mga PDZ at itataas sa alert level 5.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa ngayon ay hindi pa rin masasabi ng PHIVOLCS kung ang bulkan ay puputok na o hindi pa.