Bilang ng mga indibidwal sa Camarines Norte na nakatanggap ng unang COVID-19 booster shot nasa 53, 954 pa lang

CAMARINES NORTE- Nadagdagan ang bilang ng mga indibidwal sa Camarines Norte na nakatangap nanng unang covid-19 booster shot.

Sa datos ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center umaabot na ito ngayon sa 53, 954 pero katumbas pa lang ito ng 12. 4 %.

Nasa 434, 382 ang target population sa lalawigan at ang mga nakatanggap ng unang dose ng bakuna ay 359, 619 o 82. 8 %.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Umaabot naman sa 326, 042 ang fuly vaccinated o nakatanggap na ng second dose.

Sa ngayon ang may pinakamataas na bahagdan ng nakatanggap ng booster shot ay ang Daet na nasa 24. 9 %.

Sinusundan ito ng pinakamaliit na bayan ng San Vicente na nasa 20 %, Mercedes 15. 6 %, San Lorenzo Ruiz 12. 8 % at Basud na nasa 10. 6 %.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang ibang mga bayan ay mababa pa sa sampung porsiento ang nababakunahn ng booster shot.

Mababatid na binuksan ng DOH ang booster shot sa lahat ng eligible population para maproteksyunan ang komunidad lalo na ngayong tumataas na naman ang COVID- 19 cases.