Bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng Bagyong Goring at Hanna tumaas

Pumalo na sa halos 390K ang bilang ng mga indibiwal na naapektuhan ng Bagyong Goring at Hanna, ayon sa pinaka huling update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon sa Situational Report ng NDRRMC, may mahigit sa 100K na affected families na mula sa pitong Rehiyon habang 3,559 dito ay nasa mga pre-emptive evacuation sa sisabing sakop ng Region 1, CALABARZON, MIMAROPA at Region 6.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Samantala, lumubo naman ang halagga ng danyos sa imprastraktura na umabot na sa mahigit P41milyon kung saan ilang mga main road, tulay at mga daanan ang nasira habang ang iba ay lubog pa rin sa baha kaya nanatiling hindi passable.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Patuloy naman na binabantayan ng PAGASA ang namumuong sama ng panahon bagaman wala pa ito sa Philippine Area of Responsibility pinaalalahanan pa rin ang publiko na palaging maging handa.