Bilang ng mga indibidwal na apektado ng Habagat at LPA, lumobo pa sa mahigit 600k ayon sa NDRRMC

Lumobo pa sa 612 thousand ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng habagat at bagyong Butchoy.

Sa ulat ng NDRRMC, ang bilang ay katumbas ng 125, 705 families affected mula sa mga rehiyon ng MIMAROPA, regions 7, 9, 10, 11, 12 at BARMM.

Read More:  384,527 families affected nationwide by bad weather

Nasa 21, 952 individuals ang nananatili pa ngayon sa 55 evacuation centers sa mga nabanggit na rehiyon.

Samantala, umakyat na sa 8 ang naiulat na nasawi.

Read More:  Palace says ‘no one is above the law’ as VP Sara seeks oral arguments in grave threats case

Anim dito ang kumpirmadong nasawi kung saan 4 ay mula sa Region 9 at isa mula sa Region 10 at BARMM.

Habang patuloy pang bineberpika ang naiulat na nasawi sa Region 11 at BARMM.