CAMARINES NORTE- Umaabot pa sa 168, 252 o 33. 07 percent ang mga hindi pa nababakunahan kontra COVID- 19 sa Camarines Norte.
Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang Abril 7 ng taong kasalukuyan.
Umaabot naman sa 295, 150 ang total first dose at 305, 005 ang total second dose kasama na ang Janseen.
Nasa 45, 353 ang naturukan ng single shot na Janseen Covid- 19 vaccine.
Sa kabuuan nasa 600, 155 ang bilang mga nabakunahan na nakatanggap nn ng una at ikalawang dose.
Nananatili namang mababa ang bilang ng mga nagpapabakuna ng booster shot na nasa 26, 994 o 5. 31 percent.
Sa labing dalawang bayan sa lalawigan ang Paracale ang may pinakamalaking bahagdan pa ng population coverage ang hindi pa nababakunahan na mayroong 44. 64 percent o 23, 035.
Sa priority group ay may pinakamalaking bahagdan ng nagpabakuna ay ang edad 12- 17 taong gulang na mayroong nang 75 percent.
Sa target na 78, 413 population coverage nasa 58, 689 na ang nababakunahan.
Para naman sa edad na 18- 59 taong gulang ay nasa 242, 605 ang nabakunahan sa target na 330, 178.
Mababa pa rin ang bilang ng mga nabakunahan sa A2 priority group at senior citizen.
Sa 55, 004 na target population nasa 35, 214 pa lang o 64 percent ang nababakunahan.
Importante na maabot ang herd immunity sa priority group na ito para sa pagbaba ng Alert Level.
