26 bangkay narekober sa gumuhong gusali sa Ukraine matapos bombahan ng Russian

Umabot sa 26 na mga bangkay ang na-recover sa guho ng 2-storey building apartment sa Borodyanka ilang araw matapos bombahin ng Russian army.

Ito ang kinumpirma ng prosecutor general ng Ukraine na si Iryna Venediktova.

Sinabi ni Venediktova na tila sinasadyang targetin ng Moscow ang mga lugar kung saan naroroon ang mga sibilyan.

Binigyang diin nito na walang military site sa kung saan tumatama ang bomba ng Russia sa loob ng ilang gabi.

Kinumpirma din ng opisyal na mayroong mga ebidensiya ng war crimes ng Russian forces.