Bilang ng mga fully vaccinated individuals sa Catanduanes, umabot na sa mahigit 152K

BNFM BICOL— Umabot na sa kabuuang 152,242 na mga indibidwal sa islang lalawigan ng Catanduanes ang fully vaccinated na kontra COVID-19 batay sa ulat ng Provincial Health Office.

Sa pinakahuling pagtataya ng tanggapan as of January 11 2022, umabot na rin sa 191,011 ang tumanggap ng first dose ng bakuna na katumbas ng 84% ng current target population.

Sa kabuuan, mayroon ng 343,253 mga bakunadong indibidwal ang Catanduanes na katumbas ng 55% ng vaccination coverage habang nasa 15,427 naman ang naturukan na ng booster shots.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang malawakang pagbabakuna sa iba’t-ibang bahagi ng probinsya kung saan ngayong araw ay inaasahang idaraos ang vaccination roll out sa JMA Memorial District Hospital at sa Eastern Bicol Medical Center.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *